Yung moment na wala kang pasok. Tapos two days pa.

Pero sandamukal naman ang assignments and projects.

#Hatethisday

NAKAKATUWA LANG MGA GINAWA KO THIS WEEK. 

Last Tuesday (Feb 14) valentines na valentines pero walang date kasama ang boyfriend. Galing nga e, wala pang binigay sakin na kung ano. (Nagalit?) Haha ayos lang actually, dahil ang kadate ko naman e yung kaibigan kong topakin. Pumunta ng SM Fairview at nanuod ng pelikula worth 26 pesos. Haha poor e. Isa sa mga di ko makakalimutan na nagyari dito, e yung naitapon ko yung “Yum Burger” sa basurahan ng cr. Nakakainis ang tanga lang. Pero wag ka, kinuha ko pa din at KINAIN :)

Last Wednesday, (Feb 15) pumunta naman ako Pasay para kunin ang pera kay Papa. Syempre, kasama ko na si Boyfriend this time :D After nun, pumunta na kami sa seaside sa MOA. Paborito kong puntahan yun every time na pupunta ako ng Pasay.

Last Friday (Feb 17) isang fieldtrip ang nangyari. Pumunta kami sa Intramuros, Manila bilang requirement sa Rizal Subject namin. Nakakapanghinayang lang kase sayang ang 100 na entrance fee na binayad namin sa isang museo don. Pumunta pa kami sa Luneta Park at National Museum. Punyetang lakaran yon. Ang init pa. Tapos uulan tapos iinit na naman. Global warming na talaga.

Last Saturday (Feb 18) Eto yung pinaka astig. Ang UP Fair. :)) Ang astig lang kasi puro PUTIK. Imagine, binalutan ko ng plastic ang sapatos ko para lang maka-survive sa paglalakad sa lupang punong puno ng PUTIK. Actually, dapat nung wednesday kami pupunta dito ng boyfriend ko. E kaso.. Ayoko na ikwento. Haha. I really enjoyed this event. Promise, UP DHARMA DOWN ROCKS \m/

Then, yesterday (Feb 19) I watched Unofficially Yours with my buddy friend Jade :) Treat lang yan, yaman ng kaibigan kong to. Magtetex na lang basta basta at iti-treat ka anytime na gusto niya. Kaya gusto ko siya e, haha JOKE lang. Naiyak ako sa pelikula nila. Lalo na yung pagkatapos na interbyuhin ni John Lloyd yung ex ni Angel tapos nagusap sila sa harap ng elevator. Dami kong luha dun. Kainis.

Yan ang summary ng mga pinaggagawa ko this past week, SAYA LUNGS. Yung moment na kasama mo mga mahal mong kaibigan. I will always remember this :)

Diary,

Hello. I miss you. Galing ako Intramuros today. Nakakapagod na araw. Walang sawang picture sa mga muka namin. Walang sawa maglakad. Bukas another tiring day I guess. Dahil pupunta naman ako sa UP Fair 2012. It’s gonna be exciting :)

Love,
Bonjang payat

Isa sa mga narealize ko dito sa tumblr e hindi ako bagay dito. I enjoyed yet hindi ko siya kaya isama sa pagconsume ng oras ko. :( ang lungkot lang dahil wala na ko mapost any blogs dito this past few days. Naisip ko pano pa kaya pag graduate na ko, baka pati facebook e di ko na rin mabuksan. Nainis ka no? Isipin mo ng maarte ako. Kulang kasi sakin ang 24 hours sa isang araw. Kulang ako sa time management. Siguro, it is better na ideactivate na lang. Pagiisipan ko muna. Kya tumblr, bigyan mo pa ko ng oras XD

Ngayong wala na kayo, paano na kami?

AAGAWIN MO NA LANG SIYA SAKIN?

#Random

#Badvibes

Sila na may plano.

Shet lungs.

Kasama ko  si Rizza Valdez. Hindi kami magclassmate, pero para kaming magclassmate pag magkasama na kami. Isa siya sa bumuo ng napakagandang buhay kolehiyo ko.

Ang kaibigan kong mabilis kong napapatawa. :) 

Walang sawa ang pikchuran, muka na kaming mag jowa. Haha

#friend

#bonja

#rizza

Kapatid

Pare1: Pare nag aalala ako sa kapatid ko!

Pare2: Bakit pare?!

Pare1: Kasi ung kapatid ko dati kinakausap lagi nya sarili nya! Tapos ngaun hindi na!

Pare2: Eh di magaling pare, hindi na baliw kapatid mo! Eh bakit hindi nya na daw
kinakausap sarili nya??

Pare1: MAGKAGALIT daw sila!

Toilet Paper

TATAY: Bakit ka umiiyak anak?

ANAK: Kasi po sabi ng mga kaklase ko mukhang puwet daw ako!

TATAY: Huwag mo silang pansinin anak. Binibiro ka lang nila. O eto toilet paper punasan mo na yang mukha mo.

Hindi kailangang maghanap ng kasalanan para tapusin lang ang relasyon. Puwede namang wakasan ito ng walang galit sa isa`t isa, nang walang hintuturong nanduduro ng paninisi, nang walang pagkataong mawawasak, nang walang pusong masasaktan, nang walang kaluluwang mapupunit.

Page 1 of 13

1

2

3

4

5

Next ›